Php Mga Taga-Filipos, kabanata Ang Sulat ni Pablo sa mga Taga-Filipos, kabanata 2
Ang Pagpapakumbaba ni Kristo
Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Kristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin.