Psa Mga SalmoŽalmy, salmožalm Mga SalmoKniha žalmů, salmožalm 114

Překlady

Nakatira noon ang mga taga-Israel

na lahi ni Jacob sa Ehipto,

na kung saan iba ang wika ng mga tao.

Nang papalabas na sila sa Ehipto,

ginawa ng Diyos na banal na lugar ang Juda,

at ang Israel ay kanyang pinamunuan.

Ang Dagat na Pula ay nahawi

at ang Ilog Jordan ay tumigil sa pag-agos.

Nayanig ang mga bundok at burol,

na parang mga lumulundag na kambing at mga tupa.

Bakit nahawi ang Dagat na Pula,

at tumigil sa kanyang pag-agos ang Ilog Jordan?

Bakit nayayanig ang mga bundok at mga burol,

na parang lumulundag na mga kambing at tupa?

Nayayanig ang mundo

sa presensya ng Panginoong Diyos ni Jacob,

na siyang gumawa sa matigas na bato

upang maging imbakan ng tubig

at naging bukal na umaagos.