Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 134
Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
Purihin ang Panginoon,
lahat kayong mga naglilingkod
sa kanyang Templo kung gabi.
Itaas ninyo ang inyong mga kamay
kapag nananalangin kayo sa loob ng Templo,
at purihin ninyo ang Panginoon.
Pagpalain sana kayo ng Panginoon
na nasa Zion na siyang lumikha ng langit at ng lupa.