Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 15
Awit na isinulat ni David.
Panginoon, sino ang maaaring tumira
sa inyong banal na Tolda?
Sino ang karapat-dapat na tumira
sa inyong Banal na Bundok?
Sumagot ang Panginoon,
“Ang taong
namumuhay ng tama,
walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi
ng katotohanan,
hindi naninirang puri,
at hindi nagsasalita
at gumagawa ng masama
laban sa kanyang kapwa.
Itinatakwil niya ang mga taong ubod ng sama,
ngunit pinararangalan niya
ang mga taong may takot sa Diyos.
Tinutupad niya ang kanyang ipinangako
kahit na mahirap gawin.
Hindi nagpapatubo sa kanyang mga pautang,
at hindi tumatanggap ng suhol
upang sumaksi laban sa taong
walang kasalanan.”
Ang taong gumagawa ng ganito
ay hindi matitinag kailanman.