Psa Mga SalmoŽalmy, salmožalm Mga SalmoKniha žalmů, salmožalm 61

Překlady

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas.

O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panawagan.

Dinggin nʼyo ang aking dalangin.

Mula sa dulo ng mundo,

akoʼy tumatawag sa inyo

dahil nawalan na ako ng pag-asa.

Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,61:2 sa lugar na ligtas sa panganib: Sa literal, sa bato na mas mataas kaysa sa akin.

dahil kayo ang aking kanlungan,

tulad kayo ng isang toreng matibay

na pananggalang

laban sa kaaway.

Hayaan po ninyong akoʼy manatili

sa inyong Templo, magpakailanman.

Kayo ang aking kanlungan,

akoʼy inyong iniingatan.

Dahil napakinggan ninyo, O Diyos,

ang aking mga pangako

at binigyan nʼyo ako ng mga bagay

na ibinibigay nʼyo sa mga may takot sa inyo.

Pahabain nʼyo ang buhay ng hari

at paghariin nʼyo siya sa mahabang panahon

sa pamamagitan ng kanyang mga lahi.

Sanaʼy maghari siya magpakailanman

na kasama ninyo, O Diyos.

Ingatan ninyo siya

dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.

At akoʼy palaging aawit

ng papuri sa inyo,

at tutuparin kong lagi

ang aking mga pangako sa inyo.