Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 63
Awit na isinulat ni David habang siyaʼy nasa ilang ng Juda.
O Diyos, kayo ang aking Diyos.
Hinahanap-hanap ko kayo.
Nananabik ako sa inyo nang
buong pusoʼt kaluluwa,
tulad ng lupang tigang sa ulan.
Nakita ko ang presensya ninyo
doon sa Templo,
nasaksihan ko roon ang inyong kapangyarihan
at kaluwalhatian.
Akoʼy magpupuri sa inyo,
sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig
ay mas mainam pa kaysa buhay.
Pasasalamatan ko kayo
habang akoʼy nabubuhay.
Itataas ko ang aking mga kamay
sa paglapit sa inyo.
Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog
sa malinamnam na handaan.
At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan.63:5 awit ng kagalakan: Sa literal, sumisigaw sa kagalakan.
Sa aking paghimlay, kayo ang naaalala ko.
Sa buong magdamag, kayo ang iniisip ko.
Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit63:7 aawit: Tingnan ang talababa sa talata 5|PSA 63:5. ako,
habang akoʼy nasa inyong kalinga.63:7 habang … kalinga: Sa literal, sa lilim ng inyong pakpak.
Lumapit ako sa inyo at inalalayan nʼyo ako
ng inyong kanang kamay
upang hindi ako mapahamak.
Ngunit silang nagtatangka sa aking buhay
ay mapupunta sa lugar ng mga patay.
Mamamatay sila sa labanan
at ang kanilang mga bangkay
ay kakainin ng mga asong-gubat.
Matutuwa ang hari sa ginawa ng Diyos sa kanya.
Matutuwa rin ang mga nangako sa Diyos.
Ngunit ang lahat ng sinungaling
ay patatahimikin ng Diyos!