Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 8
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng isang uri ng instrumento o inaawit ayon sa isang uri ng tono.
O Panginoon, aming Panginoon,
ang kadakilaan ng inyong pangalan
sa buong mundo ay matutunghayan,
at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian
hanggang sa kalangitan.
Kahit ang mga bata at sanggol
sa inyoʼy nagpupuri;
Kaya ang inyong mga kaaway
ay napapahiya at tumatahimik.
Kapag akoʼy tumitingala
sa langit na inyong nilikha,
at aking pinagmamasdan ang buwan
at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,
akoʼy napapatanong,
“Ano ba ang tao upang inyong alalahanin?
Sino nga ba siya upang inyong kalingain?”
Ginawa ninyong mas mababa
kaysa sa mga anghel
ang kanyang kalagayan.
Ngunit kinoronahan nʼyo siya
ng kaluwalhatian at karangalan.
Ipinamahala nʼyo sa amin
ang inyong mga nilalang,
at ipinasailalim sa amin
ang lahat ng bagay:
mga tupa, mga baka
at lahat ng mga mababangis na hayop,
ang mga ibon sa himpapawid,
mga isda sa dagat
at lahat ng lumalangoy doon.
O Panginoon, aming Panginoon,
ang kadakilaan ng inyong pangalan
sa buong mundo ay natutunghayan.