Psa Mga SalmoŽalmy, salmožalm Mga SalmoKniha žalmů, salmožalm 82

Překlady

Awit na isinulat ni Asaf.

Pinamumunuan ng Diyos ang pagtitipon

ng kanyang mga mamamayan.

Sa gitna ng mga hukom82:1 mga hukom: Sila ay mga pinuno rin ng Israel.

siya ang humahatol sa kanila.

Sinabi niya sa kanila,

“Hanggang kailan kayo hahatol

nang hindi tama?

Hanggang kailan ninyo papaboran

ang masasamâ?

Bigyan ninyo ng katarungan

ang mga dukha at ulila.

Ipagtanggol ninyo ang karapatan

ng mga mahihirap at inaapi.

Iligtas ninyo ang mahihina

at mga nangangailangan

mula sa kamay ng mga masasama!

“Wala silang nalalaman!

Hindi sila nakakaintindi!

Wala silang pag-asa,

namumuhay sila sa kadiliman

at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.

“Sinabi ko, ‘Kayoʼy mga diyos,

mga anak ng Kataas-taasang Diyos.’

Ngunit gaya ng ibang mga namumuno

ay babagsak kayo,

at gaya ng ibang tao

ay mamamatay din kayo.”

O Diyos, hatulan nʼyo na

ang lahat ng bansa sa mundo,

sapagkat sila namaʼy sa inyo.