Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 129
Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
Mga taga-Israel, sabihin ninyo
kung paano kayo pinahirapan
ng inyong mga kaaway
mula nang itatag ang inyong bansa.
“Maraming beses nila kaming pinahirapan
mula pa nang itatag ang aming bansa.
Ngunit hindi sila nagtagumpay laban sa amin.
Sinugatan nila nang malalim ang aming likod,
na parang lupang inararo.
Ngunit ang Panginoon ay matuwid,
pinalaya niya kami sa pagkaalipin
mula sa masasamâ.”
Magsitakas sana dahil sa kahihiyan
ang lahat ng namumuhi sa Zion.
Matulad sana sila sa damong tumutubo sa bubungan ng bahay,
na nang tumubo ay agad ding namatay.
Walang nagtitipon ng ganitong damo
o nagdadala nito na nakabigkis.
Sanaʼy walang sinumang dumadaan na magsasabi sa kanila,
“Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!
Pinagpapala namin kayo sa pangalan ng Panginoon.”