Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 11
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
Sa Panginoon ako kumakanlong.
Ngunit sinasabi ninyo sa akin,
“Tumakas ka papuntang kabundukan,
lumipad kang tulad ng ibon.11:1 Tumakas … ibon: Ito ang nasa Septuagint at Syriac. Sa Hebreo, Ibon, tumakas kayo sa inyong bundok.
Inihanda na ng mga masasama
ang kanilang mga pana,
upang panain nang palihim
ang mga matutuwid.
Ano ang magagawa ng mga matutuwid
kung ang batas na pundasyon ng bayan
ay wala nang halaga?”
Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo;
at nasa langit ang kanyang trono.
Tinitingnan niya at sinisiyasat
ang lahat ng tao.
Sinisiyasat niya ang matutuwid
at masasamâ.
Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.
Pauulanan niya ng lumalagablab
na baga at asupre ang masasamâ;
at ipapadala niya ang mainit na hangin
na papaso sa kanila.
Dahil ang Panginoon ay matuwid
at siyaʼy nalulugod sa mga gawang mabuti.
Kaya ang mga namumuhay nang tama
ay makakalapit sa kanya.11:7 makakalapit sa kanya: Sa literal, makakakita sa mukha niya.