PsaSal Mga SalmoSalmi, salmo Mga SalmoLibro dei Salmi, salmo 110

Traduzioni

Awit na isinulat ni David.

Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,110:1 Panginoon … Panginoon: Sa Hebreo, Yahweh … adonai. Ang ibig sabihin ng adonai ay Panginoon o amo.

“Umupo ka rito sa aking kanan

hanggang sa gawin kong iyong apakan

ang iyong mga kalaban.”

Palalawakin ng Panginoon ang iyong kaharian mula sa Zion,

at paghaharian mo ang iyong mga kaaway.

Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway,

kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao.

Ang mga kabataang iyong nasasakupan

ay pupunta sa iyo doon

sa banal na burol katulad

ng hamog tuwing umaga.

Ang Panginoon ay sumumpa

at hindi magbabago ang pasya niya,

na ikaw ay pari magpakailanman,

ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

Ang Panginoon ay kasama mo.

Parurusahan niya ang maraming hari

sa oras ng kanyang galit.

Parurusahan niya ang mga bansa,

at marami ang kanyang papatayin.

Lilipulin niya ang mga namumuno sa buong mundo.

Mahal na Hari, kayo ay iinom sa batis

na nasa tabi ng daan,

kaya muli kayong lalakas at magtatagumpay.