Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 113
Purihin nʼyo ang Panginoon!
Kayong mga lingkod ng Panginoon,
purihin nʼyo ang pangalan ng Panginoon.
Purihin nʼyo ang Panginoon,
ngayon at magpakailanman.
Mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw,
ang pangalan ng Panginoon
ay dapat papurihan.
Maghahari ang Panginoon sa lahat ng bansa,
ang kanyang kaluwalhatian
ay hindi mapapantayan.
Walang katulad ang Panginoon na ating Diyos,
na nakaupo sa kanyang trono sa itaas.
Yumuyuko siya upang tingnan
ang kalangitan at ang sanlibutan.
Tinutulungan niya ang mga dukha
at nangangailangan sa kanilang kagipitan.
At silaʼy pinararangalang kasama ng mararangal na tao
mula sa kanyang mga mamamayan.
Pinaliligaya niya ang baog na babae
sa tahanan nito,
sa pamamagitan ng pagbibigay
sa kanya ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon!