PsaSal Mga SalmoSalmi, salmo Mga SalmoLibro dei Salmi, salmo 124

Traduzioni

Awit na isinulat ni David para sa mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin,

ano kaya ang nangyari?

Sumagot kayo mga taga-Israel!

Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin

noong sinalakay tayo ng ating mga kaaway,

marahil ay pinatay na nila tayo,

dahil sa matinding galit nila sa atin;

para siguro silang bahang tumangay sa atin

o malakas na agos na lumunod sa atin.

Purihin ang Panginoon,

dahil hindi niya pinayagang lapain tayo

ng ating mga kaaway.

Nakatakas tayo,

katulad ng ibong nakawala

sa nasirang bitag.

Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon,

na lumikha ng langit at lupa.