Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 128
Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.
Mapalad kayong may takot sa Panginoon,
na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.
Ang inyong pinaghirapan
ay magiging sapat sa inyong pangangailangan,
at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.
Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan
sa inyong tahanan, na sagana sa bunga,
at ang inyong mga anak na nakapaligid
sa inyong hapag-kainan
ay parang mga bagong tanim na olibo.
Ganito pagpapalain ang sinumang
may takot sa Panginoon.
Pagpalain sana kayo ng Panginoon
mula sa Zion.
Makita sana ninyong umuunlad ang Jerusalem
habang kayoʼy nabubuhay.
Makita sana ninyo ang inyong mga apo.
Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan!