PsaSal Mga SalmoSalmi, salmo Mga SalmoLibro dei Salmi, salmo 130

Traduzioni

Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

Panginoon, sa labis kong paghihirap

akoʼy tumatawag sa inyo.

Dinggin po ninyo ako, Panginoon.

Pakinggan po ninyo ang aking pagsusumamo.

Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan,

sino kaya sa amin ang matitira?130:3 matitira: O makakatakas sa kaparusahan.

Ngunit pinapatawad nʼyo kami,

pang matuto kaming gumalang sa inyo.

Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,

at umaasa sa inyong mga salita.

Naghihintay ako sa inyo

nang higit pa sa tagabantay

na naghihintay na dumating ang umaga.

Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon,

dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.

Siya ang magliligtas sa inyo

sa lahat ng inyong mga kasalanan.