PsaSal Mga SalmoSalmi, salmo Mga SalmoLibro dei Salmi, salmo 4

Traduzioni

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng mga instrumentong may kuwerdas.

Ang panawagan koʼy iyong dinggin,

O Diyos na nagtatanggol sa akin.

Akoʼy bigyang kaginhawahan

sa panahon ng aking kagipitan.

Akoʼy inyong kahabagan,

panalangin ko ay pakinggan.

Kayong mga tao,

kailan kayo titigil sa paninirang-puri sa akin?

Hanggang kailan ninyo iibigin

ang mga bagay na walang kabuluhan

at susundin ang mga bulaan?4:2 iibigin … bulaan: Maaaring ang ibig sabihin ay pagsamba sa diyos-diyosan o makasalanang pamumuhay.

Tandaan ninyo:

Ibinukod ng Panginoon ang kanyang mga hinirang.

Kapag akoʼy tumawag sa kanya,

akoʼy pakikinggan niya.

Kapag kayoʼy nagagalit,

huwag kayong magkakasala.

Magbulay-bulay nang may katahimikan

habang kayoʼy nakahiga sa higaan.

Ialay sa Panginoon ang mga nararapat na handog

at magtiwala sa kanya.

Marami ang nagsasabi,

“Sino ang magpapakita sa atin ng mabuti?”

Panginoon, ipakita po ninyo sa amin

ang inyong kabutihan!

Labis na kagalakan ang inyong ibinigay sa akin,

higit pa sa kanila na sagana sa pagkain at inumin.

Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob,

sapagkat kayo, Panginoon, ang nakabantay sa akin.