PsaSal Mga SalmoSalmi, salmo Mga SalmoLibro dei Salmi, salmo 67

Traduzioni

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang awit na ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.

O Diyos, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.

Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,

upang malaman ng lahat ng bansa

ang inyong mga pamamaraan

at pagliligtas.

Purihin ka nawa ng lahat ng tao, O Diyos.

Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo,

dahil sa makatarungan nʼyong paghatol

at pagpatnubay sa lahat ng bansa.

O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.

Umani nawa ng sagana ang mga lupain.

Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos.

Magkaroon sana ng takot sa inyo

ang lahat ng tao sa buong mundo.