PsaSal Mga SalmoSalmi, salmo Mga SalmoLibro dei Salmi, salmo 70

Traduzioni

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na humihingi ng tulong sa Diyos.

(Salmo 40:13‑17)

Panginoong Diyos,

iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.

Mapahiya sana at malito

ang mga nagnanais na mamatay ako.

Magsitakas sana na hiyang-hiya

ang mga nagnanais na akoʼy mapahamak.

Mapaatras sana sa kahihiyan ang mga kumukutya sa akin.

Ngunit ang mga lumalapit sa inyo

ay magalak sana at magsaya.

Ang lahat ng naghahangad

ng inyong pagliligtas

ay lagi sanang magsabi,

“Dakila ka, o Diyos!”

Ngunit ako, akoʼy dukha

at nangangailangan.

O Diyos, agad po ninyo akong lapitan!

Kayo ang tumutulong at nagliligtas sa akin.

Panginoon, agad nʼyo po akong tulungan.