PsaSal Mga SalmoSalmi, salmo Mga SalmoLibro dei Salmi, salmo 75

Traduzioni

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain!”

O Diyos, nagpapasalamat kami sa inyo.

Nagpapasalamat kami

dahil malapit kayo sa amin.

Ipinapahayag ng mga tao

ang inyong mga kahanga-hangang gawa.

Sinabi nʼyo O Diyos, “May itinakda akong

panahon ng paghatol

at hahatol ako nang walang kinikilingan.”

Kapag yumanig ang mundo

at ang mga taoʼy magkagulo sa takot,

ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.

Sinasabi ko sa mga hambog,

“Huwag kayong magyabang”

at sa masasama,

“Huwag ninyong ipagmalaki

ang inyong kakayahan.

Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki

na kayo ay nanalo

at magpakumbaba na kayo.”

Dahil ang tagumpay ng taoʼy

hindi nagmumula sa kung saan-saan,75:6 kung saan-saan: Sa literal, sa silangan o kanluran o sa ilang.

kundi sa Diyos lamang.

Siya ang humahatol;

kung sino ang ibababa

at kung sino ang itataas.

Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopa

na puno ng bumubulang matapang na alak.

Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama

hanggang sa huling patak.

Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag

ang tungkol sa Diyos ni Jacob,

aawit ako ng mga papuri para sa kanya.

Aalisin niya75:10 niya: Sa Hebreo, ko. ang kakayahan ng masasama,75:10 Aalisin niya … masasama: Sa Hebreo, Puputulin ko ang lahat ng sungay ng masasamâ.

ngunit dadagdagan niya

ang kapangyarihan ng matutuwid.