Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 87
Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.
Itinayo ng Panginoon ang lungsod ng Jerusalem87:1 Jerusalem: O Zion.
sa banal na bundok.
Mahal niya ang lungsod na ito
kaysa sa lahat ng lugar sa Israel.87:2 Israel: Sa Hebreo, Jacob.
Magagandang bagay ang kanyang sinasabi
tungkol sa lungsod na ito.
Sabi niya, “Kung ililista ko
ang mga bansang
kumikilala sa akin,
isasama ko ang Ehipto,87:4 Ehipto: Sa Hebreo, Rahab. Ito ang tawag sa dragon na sumisimbolo sa Ehipto. ang Babilonia,
pati na ang Filistia, Tiro at Etiopia.
Ituturing kong tubong Jerusalem
ang kanilang mga mamamayan.”
Ito nga ang masasabi tungkol sa Zion,
“Ang taong ito at iyon
ay tubong Jerusalem.
At ang Kataas-taasang Diyos
ang siyang magpapatatag
ng lungsod niyang ito.”
Ililista ng Panginoon ang kanyang
mga mamamayan
at isasama rin niya ang maraming tao
na ituturing niyang mga tubong Jerusalem.
Silang lahat ay magsisiawit ng,
“Ang lahat ng ating mga pagpapala
ay sa Jerusalem nagmula!”