PsaPs Mga SalmoPsalmów, salmopsalm Mga SalmoKsięga Psalmów, salmopsalm 93

Przekłady

Kayo ay hari, Panginoon;

nadadamitan ng karangalan

at kapangyarihan.

Matatag ninyong itinayo ang mundo

kaya hindi ito matitinag.

Ang inyong trono ay naitatag na

simula pa noong una,

naroon na kayo noon pa man.

Panginoon, umuugong ang dagat

at nagngangalit ang mga alon.

Ngunit Panginoong nasa langit,

higit kayong makapangyarihan

kaysa sa mga nagngangalit na alon.

Mapagkakatiwalaan ang inyong mga utos Panginoon,

at ang inyong Temploʼy nararapat lamang

na ituring na banal magpakailanman.