Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 121
Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.
Napapatanaw ako sa mga bundok;
saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
na gumawa ng langit at ng lupa.
Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.
Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
Pakinggan mo ito!
Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.
Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;
siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.
Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.121:6 Noon, alam na ng mga sinaunang tao na nagdudulot ng kapinsalaan ang matinding sikat ng araw, at naniniwalang ang liwanag ng buwan ay may dalang sakit.
Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;
pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,
ngayon at magpakailanman.