Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 122
Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.
Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin,
“Pumunta tayo sa templo ng Panginoon.”
At ngayoʼy narito na kami
at nakatayo sa pintuan ng Jerusalem.
Ang Jerusalem ay bayan
na itinayong maganda at matibay.
Dito pumupunta ang mga lahi ng Israel
upang purihin ang Panginoon
ng naaayon sa kanyang itinuro sa kanila.
Dito sa Jerusalem ang hukuman ng mga hari
na mula sa angkan ni David.
Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem:
“Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito.
Magkaroon sana ng kapayapaan sa loob ng Jerusalem
at kaunlaran sa palasyo nito.”
Alang-alang sa aking mga kamag-anak
at mga kaibigan, sasabihin ko sa Jerusalem,
“Sumainyo ang kapayapaan.”
Alang-alang sa templo ng Panginoon na ating Diyos,
mananalangin ako para sa kabutihan
at kaunlaran ng Jerusalem.