Psa Mga SalmoŽalmy, salmožalm Mga SalmoKniha žalmů, salmožalm 137

Překlady

Nang maalala namin ang Zion,

umupo kami sa pampang ng mga ilog ng Babilonia at umiyak.

Isinabit na lang namin ang aming mga alpa

sa mga sanga ng kahoy.

Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin.

Inuutusan nila kaming sila ay aliwin.

Ang sabi nila, “Awitan ninyo kami ng mga awit

tungkol sa Zion!”

Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon

sa lupain ng mga bumihag sa amin?

Sanaʼy hindi na gumalaw ang kanan kong kamay

kung kalilimutan ko ang Jerusalem!

Sanaʼy maging pipi ako kung hindi ko aalalahanin

at ituturing na aking kaligayahan ang Jerusalem.

Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom

nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem.

Sinabi nila,

“Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!”

Kayong mga taga-Babilonia, kayoʼy wawasakin!

Mapalad ang mga taong lilipol sa inyo

gaya ng ginawa ninyong paglipol sa amin.

Mapalad silang kukuha ng inyong mga sanggol,

at ihahampas sa mga bato.