Psa Mga SalmoŽalmy, salmožalm Mga SalmoKniha žalmů, salmožalm 24

Překlady

Awit na isinulat ni David.

Ang buong mundo at ang lahat ng naririto

ay pag-aari ng Panginoon.

Itinayo niya ang pundasyon ng mundo

sa kailaliman ng dagat.

Sino ang karapat-dapat umakyat

sa bundok ng Panginoon?

At sino ang maaaring tumuntong

sa kanyang banal na lugar?

Makatutuntong ang may matuwid na pamumuhay

at malinis na puso,

ang hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan,

at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.

Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon,

ang Diyos na kanyang Tagapagligtas.

Iyan ang mga taong makakalapit

at sasamba sa Diyos ni Jacob.

Buksan ninyo nang maluwang

ang mga lumang pintuan ng Templo

upang makapasok ang haring makapangyarihan!

Sino ang haring makapangyarihan?

Siya ang Panginoong malakas

at matatag sa pakikipaglaban.

Buksan ninyo nang maluwang

ang mga lumang pintuan ng Templo

upang makapasok ang haring makapangyarihan!

Sino ang dakilang Hari?

Ang Panginoon ng mga Hukbo;

Siya ang dakilang Hari!