PsaPs Mga SalmoPsalmen, salmoPsalm Mga SalmoDas Buch der Psalmen, salmoPsalm 43

Übersetzungen

O Diyos, patunayan po ninyong

akoʼy walang kasalanan,

at akoʼy inyong ipagtanggol

sa mga hindi matuwid.

Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya

at sa mga masasama.

Kayo ang Diyos ang aking tanggulan,

bakit nʼyo ako itinakwil?

Bakit kailangan pang magdusa ako

sa pang-aapi ng aking mga kaaway?

Paliwanagan nʼyo ako at turuan

ng inyong katotohanan,

upang akoʼy magabayan pabalik

sa inyong Templo sa banal na bundok.

Nang sa gayoʼy makalapit ako

sa inyong altar, O Diyos,

na nagbibigay galak sa akin.

At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa

ay pupurihin ko kayo, O aking Diyos.

Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?

Dapat magtiwala ako sa inyo.

Pupurihin ko kayong muli,

aking Diyos at Tagapagligtas!