Ezr Ezra, kabanata Ang Aklat ni Ezra, kabanata 2
Ang Talaan ng mga Bumalik Mula sa Pagkabihag
Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia (nakabalik na sila sa Jerusalem at sa mga sarili nilang mga bayan sa Juda, kasama ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem na sina Zerubabel, Jeshua,2:2 Jeshua: O Josue. Nehemias, Seraias, Reelaias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana).
Ito ang talaan at bilang ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
- Mga angkan nina
- Paros 2,172
- Sefatias 372
- Arah 775
- Pahat-moab (mula sa mga pamilya nina Jeshua at Joab) 2,812
- Elam 1,254
- Zatu 945
- Zacai 760
- Bani 642
- Bebai 623
- Azgad 1,222
- Adonikam 666
- Bigvai 2,056
- Adin 454
- Ater (na tinatawag ding Ezequias2:16 na tinatawag ding Ezequias: O mula sa pamilya ni Ezequias.) 98
- Bezai 323
- Jora 112
- Hasum 223
- Gibar 95
Mga Israelitang ang mga ninuno ay tumira sa mga sumusunod na bayan:
- Bethlehem 123
- Netofa 56
- Anatot 128
- Azmavet 42
- Kiriat-jearim, Quefira, at Beerot 743
- Rama at Geba 621
- Micmas 122
- Betel at Hai 223
- Nebo 52
- Magbis 156
- sa isa pang Elam 1,254
- Harim 320
- Lod, Hadid, at Ono 725
- Jerico 345
- Senaa 3,630
Mga pari:
- Mga angkan ni
- Jedaias (mula sa pamilya ni Jeshua) 973
- Imer 1,052
- Pashur 1,247
- Harim 1,017
Mga Levita:
- Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavias) 74
- Mga mang-aawit sa Templo na mula sa angkan ni Asaf 128
- Mga tagapagbantay ng Templo na mula sa angkan nina Salum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai 139
Mga tagapaglingkod sa Templo:
- Mga angkan nina
- Ziha, Hasufa, Tabaot,
- Keros, Siaha, Padon,
- Lebana, Hagaba, Akub,
- Hagab, Salmai, Hanan,
- Gidel, Gahar, Reaias,
- Rezin, Nekoda, Gazam,
- Uza, Pasea, Besai,
- Asnah, Meunim, Nefisim,
- Bakbuk, Hakufa, Harhur,
- Bazlut, Mehida, Harsa,
- Barkos, Sisera, Tema,
- Nezias at Hatifa.
Mga angkan ng mga alipin ni Solomon:
- Ang mga angkan nina
- Sotai, Soferet, Peruda,
- Jaala, Darkon, Gidel,
- Sefatias, Hatil,
- Poqueret-hazebaim at Ami.
Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga tagapaglingkod sa Templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.
May mga bumalik din mula sa mga bayan ng Tel-mela, Tel-harsa, Querub, Adon, at Imer. Ngunit hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita. Sila ang mga nagmula sa angkan nina Delaias, Tobias at Nekoda na may kabuuang bilang na 652.
Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobias, Hakoz, at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.) Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng mga ninuno nila, hindi sila tinanggap bilang mga pari. Sinabihan sila ng gobernador na hindi sila maaaring kumain ng mga pagkaing inihandog sa Diyos hanggaʼt walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa kanilang pagkapari sa pamamagitan ng Urim at Tumim.2:63 Urim at Tumim: Dalawang bagay na ginagamit para alamin ang kalooban ng Diyos.
Ang kabuuang bilang ng mga bumalik sa Juda mula sa pagkabihag ay 42,360, hindi pa kabilang dito ang mga alipin nilang lalaki at babae na 7,337, at mga mang-aawit na lalaki at babae na mahigit dalawang daan. May dala silang 736 na mga kabayo, 245 mola, 435 kamelyo, at 6,720 asno.
Pagdating nila sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng bahay ng Diyos sa dati nitong kinatatayuan. Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito. At ang kabuuang natipon nila ay mga limandaang kilong ginto, mga tatlong libong kilong pilak, at isang daang pirasong kasuotan para sa mga pari.
Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa kani-kanilang bayan, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga mang-aawit, ang mga tagapagbantay ng Templo, ang mga tagapaglingkod sa Templo at ang iba pang mga Israelita ay nanumbalik sa kanilang mga bayan.