Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 146
Purihin ang Panginoon!
Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.
Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon.
Aawitan ko ang aking Diyos
ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.
Huwag kayong magtiwala
sa mga makapangyarihang tao o kaninuman,
dahil silaʼy hindi makapagliligtas.
Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa,
at ang kanilang mga binabalak
ay mawawalang lahat.
Mapalad ang tao na ang tulong
ay nagmumula sa Diyos ni Jacob,
na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon,
na kanyang Diyos.
ang lumikha ng langit at lupa,
ng dagat at ng lahat ng narito.
Mananatili siyang tapat magpakailanman.
Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi,
at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom.
Pinalalaya ng Panginoon
ang mga bilanggo.
Pinagagaling niya ang mga bulag
upang makakita,
pinalalakas ang mga nanghihina,
at ang mga matuwid ay minamahal niya.
Iniingatan niya ang mga dayuhan,
tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda,
ngunit hinahadlangan niya
ang mga kagustuhan ng masasamâ.
Mga taga-Zion, ang Panginoon
na inyong Diyos
ay maghahari magpakailanman.
Purihin ang Panginoon!