Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 150
Purihin ang Panginoon!
Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo.
Purihin siya sa langit,
ang kanyang matibay na tirahan.
Purihin siya dahil
sa kanyang mga dakilang mga gawa.
Purihin siya dahil sa kanyang
kapangyarihang walang kapantay.
Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta!
Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira!
Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin
at sumayaw.
Purihin siya sa tugtog
ng mga instrumentong
may kuwerdas at mga plauta.
Purihin siya sa matutunog
na mga pompyang.
Purihin siya sa mga taginting nito.
Ang lahat ng may buhay
ay magpuri sa Panginoon.
Purihin ang Panginoon!